November 4, 2026

Diariong Tagalog

Continuing Filipino Media Since 1882

Paano Binabago ng AI ang HR, Recruitment, Payroll, at Time Tracking sa Pilipinas

Paano Binabago ng AI ang HR, Recruitment, Payroll, at Time Tracking sa Pilipinas

Diariong Tagalog | Paano Binabago ng AI ang HR, Recruitment, Payroll, at Time Tracking sa Pilipinas | Ni Homer Nievera

Alam na natin na dumating na ang ang tinaguriang Bagong Mukha ng Human Resources. Tapos na ang mga panahon na manual laha, mula sa pagpili ng aplikante hanggang sa pag-compute ng sahod. Sa panahon ngayon, binabago na ng Artificial Intelligence (AI) ang HR sa Pilipinas. Hindi ito science fiction. Totoong ginagamit na ang AI para gawing mas mabilis, mas tumpak, at mas makatao ang human resource management.

Kung HR professional ka, business owner, o employee, panahon na para malaman kung paano mo magagamit ang mga AI-powered tools para mapadali ang trabaho at mapabuti ang experience ng bawat empleyado.

1. AI sa Recruitment: Smart Hiring, Mas Bilis

Dati, kailangan mong magbasa ng daan-daang resumes. Ngayon, AI tools tulad ng HireVue, LinkedIn Recruiter AI, at ChatGPT ay tumutulong sa:

  • Pagsala ng aplikante batay sa experience, skills, at job match
  • Pag-predict kung sino ang best fit
  • Pag-generate ng interview questions

2. AI Payroll Systems: Wala Nang Mali sa Sahod

Payroll errors = reklamo + dagdag trabaho. Kaya dumarami na ang kumpanyang gumagamit ng tools tulad ng Sprout Solutions, Salarium, at GreatDay HR para:

  • I-compute ang sahod in real-time
  • Mag-track ng OT, late, at deductions
  • Magbigay ng payslip nang awtomatiko

3. Time Tracking: No More Buddy Punching

AI-powered tools tulad ng Fareclock (with Byxbi), Hubstaff, at Toggl Track ay nag-aalok ng:

  • Facial recognition para sa time-in/time-out
  • Geo-location para sa field teams
  • Auto-generated attendance reports

Sa mga ganitong sistema, mas accurate ang time records at halos wala nang dayaan.

4. Employee Engagement: AI para sa Mental Wellness

Hindi lang trabaho ang sinusukat ngayon, kundi pati well-being. Tools tulad ng TinyPulse, Culture Amp, at chatbots gaya ng Wysa ay ginagamit para:

  • Mangolekta ng anonymous feedback
  • I-predict kung sino ang stressed o burnout
  • Mag-recommend ng wellness programs

5. Performance Monitoring: Real-Time, Not Once-a-Year

AI tools gaya ng 15Five, Lattice, at Zoho People ay tumutulong sa:

  • Pagsusuri ng employee goals at progress weekly
  • Pagbibigay ng feedback mula sa peers at managers
  • Pag-align ng KPIs sa actual output

Mas objective at mabilis ang assessment.

6. Training at Development: Personalized Learning

AI tools gaya ng Coursera, EdApp, at ChatGPT ay nagbibigay ng:

  • Personalized training paths base sa role
  • Quizzes at simulations para sa soft skills
  • Recommendations ng next skill to learn

Sample Use: Magpagawa kay ChatGPT ng quiz para sa communication skills o customer handling.

7. HR Chatbots: 24/7 Assistant ng Empleyado

Gusto mong malaman ang VL balance mo? May tanong ka tungkol sa overtime? Hindi mo na kailangang hintayin si HR. May mga chatbots na gaya ng:

  • Darwinbox chatbot
  • Tars
  • Customized ChatGPT HR assistant

Laging online, consistent ang sagot, at walang pila.

8. HR Analytics: Datos > Hula

Sa tulong ng AI-based analytics, kaya mong malaman:

  • Sino ang laging absent?
  • Aling department ang pinaka-productive?
  • Sino ang malapit na mag-resign?

Tools tulad ng Tableau HR, Power BI, o built-in reports mula sa Sprout at Salarium ay nagbibigay ng actionable insights.

Paano Magsimula?

1. Simulan sa libre. Maraming tools ang may free trial o basic version.
2. Mag-training muna. Walang silbi ang AI kung di marunong ang HR team.
3. Gumamit ng ChatGPT. Pwede mo itong kausapin gaya ng:
“Mag-suggest ka ng tatlong paraan para bumaba ang absenteeism sa remote team ko.”
4. Unahin pa rin ang tao. AI ang tool, pero tao pa rin ang sentro ng HR.

Konklusyon: HR na Mas Matalino, Hindi Mas Komplikado

Ang AI ay hindi para palitan ang HR. Ito ay para tulungan sila. Sa Pilipinas kung saan mabilis ang digital transformation, kailangang sabayan ng HR teams ang pagbabago.

Mas mapapadali na ang hiring, sahod, attendance, feedback, at employee care. Hindi mo na kailangang magpakapagod sa admin tasks. Ibigay mo na sa AI ‘yan, at mag-focus ka na sa pagpapabuti ng buhay-trabaho ng mga empleyado.

Quote na Baon:
“Technology won’t replace HR. But HR professionals who use technology will replace those who don’t.”

Mga Rekomendadong Tools:

–

Si Homer ay makokontak sa email na chief@negosentromedia.com

Visited 1,038 times