Diariong Tagalog | ASEAN DSE 2025: Pagsasanay sa Kabataan para sa Data-Driven na Kinabukasan | Ang Programa ng ASEAN DSE 2025 ay Patuloy sa Misyon nitong Sanayin ang Kabataan sa mga Kasanayang Nakabatay sa Datos Bilang Paghahanda sa Mas Kumpetitibong Pagdaigdigang Pamilihan.
Ang ASEAN Foundation at SAP ay matagumpay na nagtapos ng ASEAN Data Science Explorers 2025 Regional Finals sa Kuala Lumpur, Malaysia, bilang bahagi ng serye ng mga kaganapan para sa ASEAN Chairmanship 2025.
Manila, Philippines – Sa pakikipagtulungan ng ASEAN Foundation at SAP, matagumpay na naisagawa ang ika-siyam na ASEAN Data Science Explorers (ASEAN DSE) 2025 Regional Finals sa Kuala Lumpur, Malaysia. Dalawampu’t dalawang mag-aaral mula sa mga sekondarya at kolehiyo ng sampung kasaping bansa ng ASEAN ang naglahad ng kanilang mga panukalang proyekto at makabagong solusyong nakabatay sa datos upang tugunan ang mga isyung panlipunan at pang-ekonomiya sa rehiyon.
Sa tulong ng SAP Analytics Cloud, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kakayahang gamitin at suriin ang datos upang makabuo ng mga mobile application na may makabuluhang epekto sa mga pangunahing isyung panlipunan at pang-ekonomiya sa buong ASEAN. Nakatuon din ang kanilang mga proyekto sa anim na layunin ng Sustainable Development Goals (SDGs), kabilang ang “Walang Gutom” (SDG 2), “Magandang Kalusugan at Mabuting Kalagayan (SDG 3), “Malinis na Tubig at Maayos na Sanitasyon” (SDG 6), “Napapanatiling mga Lungsod at Pamayanan” (SDG 11), “Responsableng Pagkonsumo at Produksyon” (SDG 12), at “Laban sa Pagbabago ng Klima” (SDG 13).
Ang Koponang DataMinions mula sa Lao PDR ay opisyal na itinanghal bilang Panrehiyong Kampeon ng ASEAN DSE 2025 dahil sa kanilang presentasyon ng isang makabagong solusyon na tinawag na Namjai Smart Water Tank, na nagfi-filter at nakakakita ng mga mapanganib na sangkap sa tubig, at nagbibigay rin ng alerto sa mga sambahayan, NGO, at mga awtoridad upang mapanatili ang malinis na tubig. Ang tangke ng tubig na ito ay nilikha upang tugunan ang isyu ng malinis na tubig sa ASEAN, partikular sa Lao PDR, Cambodia, at Pilipinas. Bukod dito, ang koponang Mamamamoodeng mula sa Thailand at koponang MyKXLab mula sa Malaysia ang naging unang at ikalawang pangkat na runner-up.
“Lubos kaming nagpapasalamat sa pagiging panrehiyong kampeon ng ASEAN DSE 2025. Ang makita ang mga proyekto ng iba pang mga finalist ay tunay na nakapagbigay-inspirasyon at nag-udyok sa amin na higit pang paunlarin ang aming mga inisyatiba upang lumikha ng pangmatagalang epekto sa ASEAN. Ang mga pagkakaibigan at mahahalagang koneksyon na nabuo sa programang ito ay hindi pansamantala kundi mananatili sa amin habang patuloy kaming sumusulong at pinapahusay ang aming sarili bilang miyembro ng komunidad ng ASEAN,” sabi nina Palinya Sengdalavong (Singapore University of Technology and Design) at Kounlasatty Manivong (Singapore Management University), mga miyembro ng Koponang DataMinions.
Ang iba pang lumahok na koponan ay nagmula sa Pilipinas, kung saan ang Koponang Sharksfin na binubuo nina Lizzie Annika Montemayor at Val Allen Eltagonde ay naglatag ng solusyon sa lumalalang krisis sa tubig sa ASEAN sa pamamagitan ng kanilang proyektong tinawag na HydroLink. Kaayon ng SDG 6 na “Malinis na Tubig at Maayos na Sanitasyon,” binubuo ang sistemang ito ng dalawang bahagi: isang field-deployed device para sa pagsubaybay sa tubig sa ilalim ng lupa at isang user-friendly mobile application na konektado sa centralized dashboards.
Ayon kina Lizzie Annika Montemayor at Val Allen Eltagonde ng Koponang Sharksfin na parehong kumakatawan sa Ateneo de Manila University, “Alam namin na ang mga residente ng Barangay Poblacion, Panglao, at Barangay Bayog, Los Baños ay nakararanas ng problema sa alat at kontaminasyon ng bakterya na nagbabanta sa kanilang pag-access sa ligtas na inuming tubig. Hindi lamang ito nangyayari sa Pilipinas kundi maging sa iba pang bansa sa ASEAN gaya ng Indonesia, Thailand, Myanmar, at Timor Leste, kung saan nananatiling pangunahing pinagkukunan ang groundwater. Sa pamamagitan ng HydroLink, nais naming gawing oportunidad ang krisis na ito—mula sa isang Krisis sa huling milya ng distribusyon tungo sa Oportunidad sa unang yugto ng proseso —para sa mas epektibong pagbuo ng datos at pagpapatibay ng kakayahan ng mga komunidad sa buong ASEAN.
Sa ngayon, napakahalaga ng mga kasanayang nakabatay sa datos para sa hinaharap na lakas-paggawa. Ayon sa ulat na inilathala ng MarketsandMarkets noong 2022, inaasahang lalago ang pandaigdigang merkado ng data science platforms mula USD 95.3 bilyon noong 2021 hanggang USD 322.9 bilyon pagsapit ng 2026. Bagama’t dumarami ang mga bagong trabahong nangangailangan ng kasanayang digital at teknolohikal sa buong ASEAN, patuloy pa ring kinikilala ng mga pamahalaan ang hamon kung gaano kahanda ang kabataang manggagawa upang matugunan ang mga pangangailangang ito. Batay sa pag-aaral ng ASEAN Foundation at Google na pinamagatang “Jobs Market and Skills Demand for the Future” (2022), 72.2% ng 1,080 kabataang kalahok mula sa mga mga pamayanang kulang sa serbisyo sa rehiyon ay kulang o may limitadong kasanayan sa advanced digital skills. Upang matugunan ito, nilalayon ng ASEAN DSE Programme na punan ang puwang na ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga kalahok ng mahahalagang kasanayan sa data analytics, upang matiyak na sila ay mananatiling kompetitibo sa patuloy na nagbabagong merkado ng trabaho.
Ang 2025 Regional Finals ay higit pang pinatatag sa pamamagitan ng suporta ng Kagawaran ng Edukasyon Malaysia, na nagsilbing pangunahing katuwang alinsunod sa ASEAN Chairmanship 2025 na ginanap noong 26–28 Oktubre 2025. Pinangasiwaan ng Kagawaran ang paglahok ng mga matataas na opisyal mula sa sampung kasaping bansa ng ASEAN at mga VIP na bisita, kabilang si xxx. Ang kanilang walang sawang suporta ay nagpapatunay sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng digital literacy at kahandaan ng mga kabataang ASEAN para sa napapanatiling pag-unlad ng rehiyon. Bukod dito, naging mahalaga rin ang pag-endorso ng Kagawaran sa pagpapataas ng antas ng programa, lalo na ang mula kay Ybhg. Dr. Mohd. Azam Ahmad, Director General ng Ministry of Education Malaysia.
“Ayon kay Ybhg. Dr. Mohd. Azam Ahmad, Direktor Heneral ng Kagawaran ng Edukasyon ng Malaysia, “Ang programa ng ASEAN DSE ay isang malinaw na halimbawa kung paano nagagawang itaguyod ng pagtutulungan sa antas-rehiyon ang inobasyon at paghubog ng mahahalagang kasanayan para sa kinabukasan ng ating kabataan. Sa nakalipas na siyam na taon, ang programang ito ay nagsilbing mahalagang instrumento sa pagpapalawak ng digital literacy sa Malaysia, na nakaapekto sa mga mag-aaral at mga guro. Sa pagtutugma nito sa Malaysia Education Blueprint 2015–2025 (Higher Education), binibigyan ng inisyatibang ito ang ating mga kabataan ng mga kasangkapan upang umunlad sa makabagong mundo ng trabaho at makapag-ambag sa napapanatiling pag-unlad ng ating rehiyon. Inaasahan namin ang pagpapatuloy ng pakikipagtulungang ito, habang inihahanda nito ang mga kabataan upang pamunuan tayo tungo sa isang mas konektado at mas maunlad na hinaharap.
Ipinunto ni Dr. Piti Srisangnam, Executive Director ng ASEAN Foundation, ang mahalagang papel ng programa: “Ang ASEAN DSE programme ay isang pangunahing inisyatiba upang linangin ang mga kabataang talento sa ating rehiyon. Sa pagbibigay sa kanila ng mga digital na kasangkapan at kasanayan sa paggamit ng datos na kanilang kailangan, binibigyan natin sila ng kapangyarihang mag-isip nang kritikal at magdisenyo ng mga makabagong solusyon sa mga tunay na suliranin sa mundo — na nakakatulong hindi lamang sa kanilang personal na pag-unlad kundi pati na rin sa kabuuang pag-unlad ng ASEAN.
Bilang isang pandaigdigang lider sa mga aplikasyon para sa negosyo at negosyong AI, determinado ang SAP na ihanda ang mga kabataan sa mga komplikasyon ng mabilis na nagbabagong mundo sa pamamagitan ng pagtutok sa tatlong mahahalagang kasanayan: kasanayang pang-entrepreneur, kasanayang digital, at mga kasanayan para sa ika-21 siglo.
“Ayon kay Liher Urbizu, Pangulo at Punong Tagapamahala ng SAP Timog-Silangang Asya,
“Ang pakikipagtulungan ng SAP sa ASEAN Foundation ay nagpapakita ng aming matibay na pangako na bigyang-kapangyarihan ang mga kabataan sa buong rehiyon. Layunin naming maipagkaloob sa susunod na henerasyon ng mga pinuno ang mga kasanayang kailangan nila upang umunlad sa isang makabagong mundong pinapatakbo ng datos. Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, tinutulungan naming paunlarin ang mga kabataang may kakayahan sa teknolohiya sa Timog-Silangang Asya upang sila ay makapagdudulot ng makabuluhang pagbabago at makatutulong sa mga organisasyon sa mga bansang ito na mapabilis ang kanilang pag-unlad at inobasyon.”
Mula nang ilunsad noong 2017, na-empower na ng ASEAN Data Science Explorers (ASEAN DSE) programme ang higit sa 111,000 kabataang may edad 15 hanggang 30, kabilang ang mga mula sa mga komunidad na kulang sa oportunidad, at nakipag-ugnayan na rin ito sa mahigit 3,300 mga guro sa buong rehiyon, kung saan 55% ng mga benepisyaryo ay kababaihan. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga Kabataang may talento ng mga kasanayang digital, sinusuportahan ng programa ang Plano ng ASEAN para sa Kabataan 2021–2025, Plano ng ASEAN para sa Edukasyon 2021–2025, Digital Masterplan ng ASEAN 2025, Balangkas ng Digital na Ekonomiya ng ASEAN (ASEAN Work Plan on Youth 2021–2025, ASEAN Work Plan on Education 2021–2025, ASEAN Digital Masterplan 2025, at ASEAN Digital Economy Framework), na may layuning itaguyod ang pag-unlad ng isang ASEAN na may kakayahang digital at pasiglahin ang paglago sa buong rehiyon.
***
Tungkol sa ASEAN Foundation
Makalipas ang tatlong dekada mula nang maitatag ang ASEAN, napagtanto ng mga lider ng ASEAN na nananatiling kulang ang pantay na kasaganaan, kamalayan tungkol sa ASEAN, at ugnayan ng mga mamamayan sa rehiyon. Dahil sa pagkabahalang ito, itinatag ng mga lider ng ASEAN ang ASEAN Foundation sa ika-30 Anibersaryo ng ASEAN Commemorative Summit na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 15 Disyembre 1997. Ang ASEAN Foundation ay isang organisasyon mula sa at para sa mga mamamayan ng ASEAN. Umiiral ang Foundation dahil sa iisang layunin: ang bumuo ng isang nagkakaisa at maunlad na Komunidad ng ASEAN. Bilang isang katawan ng ASEAN, ang Foundation ay may tungkuling itaguyod ang kamalayan, pagkakakilanlan, pakikipag-ugnayan, at pag-unlad ng mga mamamayan ng ASEAN.Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang kanilang website: sa www.aseanfoundation.org.
Tungkol sa SAP
Bilang isang pandaigdigang lider sa larangan ng enterprise applications at negosyong AI, ang SAP (NYSE:SAP) ay nakatayo sa gitna ng negosyo at teknolohiya. Sa loob ng mahigit 50 taon, pinagkakatiwalaan ng mga organisasyon ang SAP upang maipakita ang kanilang pinakamahusay sa pamamagitan ng pagsasama ng mga mahahalagang operasyon sa negosyo tulad ng pananalapi, pag-procure, HR, supply chain, at karanasan ng mga kustomer. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.sap.com.
Tungkol sa ASEAN Data Science Explorers
Ang ASEAN DSE ay isang rehiyonal na programa sa digital literacy na naglalayong ipakilala at bigyan ng kasanayan sa data analytics ang mga kabataan, kabilang na ang mga kabataang mula sa hindi gaanong napaglilingkurang sektor, gamit ang SAP Analytics Cloud. Layunin din nitong itaguyod ang kamalayan tungkol sa ASEAN at sa United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs), at hikayatin ang mga kabataan na aktibong tugunan ang mga suliraning sosyo-ekonomiko sa rehiyon ng ASEAN sa pamamagitan ng mga solusyong nakabatay sa datos. Inaprubahan ito ng ASEAN Senior Officials Meeting on Youth (SOMY) at ASEAN Senior Officials Meeting on Education (SOM-ED). Nakalaan ito para sa mga kabataang ASEAN na may edad 15–35, na nag-aaral nang full-time sa mga institusyong pang-edukasyon sa loob ng 10 Miyembrong Estado ng ASEAN, pati na rin sa mga kabataang hindi gaanong napaglilingkuran. Ipinapatupad ang programa sa pamamagitan ng dalawang pangunahing bahagi: ang rehiyonal na kompetisyon sa data analytics at ang mga session para sa pagsasanay. Isinasagawa ang kompetisyon sa lahat ng Miyembrong Estado ng ASEAN, at ang regional finals ay gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia, sa Oktubre 28, 2025.Para sa impormasyon tungkol sa mga nakaraang edisyon at mga kalahok ng programa, bisitahin ang https://aseandse.org o ang Facebook Group nito.

More Stories
When childhood ends too soon: Why lawmakers are urged to act as pregnancies rise among girls aged 10–14
Over 12,000 Police, Force Multipliers Deployed to Secure NCR During Holy Week, Summer Travel
Toll Rebates for PUVs and Cargo Trucks to Start March 23